Ikaw Lang Talaga

Ilang alak man ang inumin,

hindi malasing-lasing.

Parang pagibig ko sayong ilang beses mang ahunin,

lunod na lunod parin.

Kahit gaano kita pilit kalimutan,

multo ng alaala mo’y lagi akong kinukumutan.

Hinding hindi kita maalis sa aking isipan,

nagtataka kung paano ba?

Dalawang stick ng yosi tuwing alas-dos ng umaga,

tig isa bawat baga,

habang iniisip kita,

aking sinta.

At sa muling pagkamulat ng aking mga mata,

ikaw pa dinĀ ang nasa isip ko mahal,

wag kang mag alala,

dahil ikaw lang talaga.

Advertisements